Aabot sa mahigit 40,000 kapulisan ang ipapakalat ng Philippine National Police bilang parte ng kanilang “Oplan Ligtas SumVac 20205”—isang kampanya ng pulisya para sa paparating na Semana Santa at pagsisimula na rin umano ng summer vacation.
Sa pahayag ni PNP Chief Rommel Marbil noong Huwebes, Abril 3, 2025, nakahanda umanong rumesponde ang hanay ng PNP lalo na’t sa buong bansa raw nakatalaga ang nasabing bilang ng kanilang deployment.
“Habang pinaghahandaan natin ang Summer Vacation 2025, sinisiguro ng PNP ang kaligtasan ng ating mamamayan. Ang ating mga kapulisan ay naka-deploy at handang rumesponde sa anumang sitwasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. Nananawagan kami sa publiko na manatiling mapagmatyag, makipagtulungan sa mga awtoridad, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad. Sama-sama nating gawing ligtas at kasiya-siya ang tag-init na ito,” ani Marbil.
Pinaalalahanan din ni Marbil ang publiko na maging alerto umano sa paligid at lalo na sa mga matataong lugar.
“Nananawagan kami sa publiko na manatiling mapagmatyag, makipagtulungan sa mga awtoridad, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad. Sama-sama nating gawing ligtas at kasiya-siya ang tag-init na ito,” anang PNP Chief.