May 13, 2026

Home BALITA Eleksyon

Rep. Acidre, dinepensahan implementasyon ng overseas online voting

Rep. Acidre, dinepensahan implementasyon ng overseas online voting
Photo courtesy: Jude Acidre/FB

Dinepensahan ni Tingog party-list Representative Jude Acidre ang implementasyon ng Commission on Elections (Comelec) ng kauna-unahang online voting para sa mga Pilipino sa abroad.

Sa panayam ny media kay Acidre nitong Biyernes, Abril 4, 2025, tinawag niyang ang online voting umano ang pinakaepektibong paraan upang masiguradong makakaboto ang mga Pinoy sa ibang bansa. 

“If there is anything that our overseas Filipino workers (OFWs) can do to make their voices heard as to how the country is governed, this is [by] being able to cast their vote. In this case, the use of the online platform is the most effective way to ensure political participation of our OFWs,” ani Acidre. 

Dagdag niya, matagal na raw pinagplanuhan ng pamahalaan ang nasabing bagong paraan ng pagboto upang maitaguyod umano ang karapatan ng mga botanteng Pilipino sa abroad. 

“This has been in the pipeline for the longest time, and the government has spent a lot of time to pull this off...para masigurado po na ang karapatang bumoto ng mga Filipino overseas ay maigagalang at maisasakatuparan,” anang mambabatas. 

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

Matatandaang noong Huwebes, Abril 3, nang magsampa ng reklamo ang ilang mga abogado sa Supreme Court laban sa implementasyon ng online voting.

KAUGNAY NA BALITA: Torreon, iba pang abogado nagsumite ng petisyon laban sa ‘online voting’ sa eleksyon