May 18, 2026

Home BALITA Eleksyon

Luis Manzano, nawalan ng endorsement matapos kumandidato

Luis Manzano, nawalan ng endorsement matapos kumandidato
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Inamin ni TV-host actor Luis Manzano na nawalan umano siya ng endorsement matapos niyang maghain ng kandidatura sa pagka-bise gobernador sa probinsya ng Batangas.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Huwebes, Abril 3, sinabi ni Luis na marami sa mga endorsement daw niya ay iba na ang endorser.

“Actually, kung napansin n’yo nga, ang dami na ring nagko-comment on social media. Marami sa mga endorsements ko iba na ang endorser nila. So, wala. Gano’n talaga. Alam ko rin naman na gano’n ang mangyayari,” saad ni Luis.

Dagdag pa niya, “Kung saka-sakali namang sila ay magtiwala ulit pagkatapos ng either campaign period or kung sakali man kung anong maging kapalaran ko pagkatapos nito, sana manumbalik. Pero ‘di puwedeng balewalain ko ang panawagan ng mga Batangueño.”

“Saka puwede pa naman kami,“ sabat naman ng nanay niyang si Vilma Santos-Recto, na tumatakbo sa pagkagobernador sa naturang probinsya. “Because at the end of the day, modesty aside, it’s still the credibility.”

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

In fact, ayon kay Luis, may naghihintay na raw na endorsement sa kanilang mag-ina pagkatapos ng eleksyon manalo man sila o matalo.