Dead on the spot ang isang 36 taong gulang matapos umano siyang mapagkamalang magnanakaw ng lolo ng kaniyang kasintahan sa Valencia, Negros Oriental.
Ayon sa ulat ng GMA Integrated News nitong Biyernes, Abril 4, 2025, lumalabas sa imbestigasyon na dumalaw ang biktima sa bahay ng suspek kung saan nakatira ang kaniyang girlfriend.
Hindi umano malinaw kung paano napadpad ang biktima sa kwarto ng kaniyang girlfriend kung saan natutulog din ang 83-anyos na suspek. Agad umano niyang pinaputukan ang biktima kung saan agad itong naswi.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearm.
Samantala, pinabulaanan naman ng pamilya ng biktima na isa siyang magnanakaw bagama’t minsan na raw siyang nakulong. Wala rin umanong record sa barangay ng pagnanakaw ang biktima.