May 22, 2026

Home BALITA National

Ilang kaanak ng war on drugs victims, nagsampa ng reklamo sa NBI laban sa online harassments

Ilang kaanak ng war on drugs victims, nagsampa ng reklamo sa NBI laban sa online harassments
Photo courtesy: NUPL/Facebook

Humingi na ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes, Abril 4, 2025, ang ilang kaanak ng mga biktima ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng natatanggap nilang online harassments.

Kasama ng mga biktima si National Union of Peoples’ Lawyer (NUPL) Secretary General Atty. Kristina Conti.

“Mayroong ibang content na ‘mag-ingat ka, hindi ka na sisikatan ng araw.’ Sa panahon ngayon at sa konteksto ng sitwasyon, ay hindi dapat ‘yan isantabi o balewalain kasi maraming baka kung anong isipin dyan,” ani Conti.

Matatandaang inulan ng samu’t saring komento mula sa netizens ang ilang mga kilos-protesta para umano sa hustisya ng mga biktima ng war on drugs, kung saan napag-alamang ang ilan sa mga imahe nilang bitbit ay hindi umano kabilang sa mga napaslang sa naturang kampanya ni dating Pangulong Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ilan sa mga umano'y 'nadawit' na biktima raw ng EJK ni FPRRD

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Samantala, iginiit din ng NUPL na pawang mga tagasuporta umano ng mga Duterte ang nanghaharas sa mga biktima na karamihan daw ay pawang mga trolls. 

“This harassment reflects the emboldenment of Duterte’s most aggressive supporters—paid trolls and hardline loyalists alike—enabled by a leadership that evades justice and feeds on fear and distortion," anang NUPL.