July 15, 2026

Home BALITA National

Heat index sa Dagupan, aabot sa 46°C sa Sabado – PAGASA

Heat index sa Dagupan, aabot sa 46°C sa Sabado – PAGASA
Courtesy: Unsplash

Inaasahang makararanas ng dangerous heat index na 46°C ang Dagupan City, Pangasinan bukas ng Sabado, Abril 5, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng weather bureau dakong 5:00 ng hapon nitong Biyernes, Abril 4, bukod sa Dagupan City ay inaasahan ding mararanasan ang dangerous heat index na 44°C sa Virac (Synop), Catanduanes at 42°C sa ISU Echague, Isabela.

Paliwanag ng PAGASA, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag isinasama ang “humidity” sa aktwal na temperatura ng hangin.

Nakasailalim sa danger level ang heat index mula 42°C hanggang 51°C.

Posible sa mga lugar na may dangerous heat index ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

National

Ridon sa defense sa pagbubukas ng tax records ni VP Sara: 'Kung takot... baka may tinatago!'

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?