Inihayag ni Atty. Israelito “Bobbet” Torreon sa kaniyang Facebook post ang pagsusumite niya kasama ang ilan pang mga abogado ng petisyon sa Korte Suprema hinggil sa nakatakdang online voting para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa darating na Midterm Elections sa Mayo 2025.
Kasama ni Torreon sina senatorial aspirants Atty. Jimmy Bondoc, at Atty. Vic Rodriguez. Kabilang din sa mga kasama pang nagpetisyon sina Sec. Al Cusi, Atty. Raul Lambino at Overseas Registered Voters.
“Nagfile tayo ngayon sa Supreme Court ng Petition for Prohibition, Mandamus with Injunctive Reliefs in behalf of PDP Laban represented by Sec. Al Cusi, Atty Raul Lambino, Atty Jimmy Bondoc, Atty Vic Rodriguez and OFW / Overseas Registeres Voters para maimplement ang Section 31 of RA 9369 na dapat magkaroon ng Manual Counting of Votes sa precinct level at ma-prohibit muna ang online voting kasi Wala pa batas na napasa ang Kongreso para dito,” ani Torreon sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Abril 3, 2025.
Dagdag pa niya, “Tayo ang abogado at isa sa Petitioner sa importante na petition para magkaroon tayo ng kasiguradohan na mabilang talaga ang boto natin sa mga kandidato na pinili natin sa eleksyon.”
Matatandaang noong Pebrero 15 nang ianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang palatuntunin hinggil sa ikakasang onloine voting para sa mga OFW. Ayon sa Komisyon, ang pre-voting enrollment ay nagsimula noong Marso 7 at magtatapos sa Mayoi 7. Habang maaari namang bumoto ang mga OFW mual Abri 13 hanggang Mayo 12, (araw sa Pilipinas).