April 04, 2025

Home BALITA

Russian vlogger na inireklamo ng harassment arestado na, posibleng ipa-deport pa!

Russian vlogger na inireklamo ng harassment arestado na, posibleng ipa-deport pa!
Photo courtesy: CIDG via GMA News

Nasukol na ang Russian vlogger na inireklamo ng harassment ng mga Pilipino sa paggawa ng content niya habang nasa Pilipinas.

Sa ulat ng "Unang Balita" ng Unang Hirit, morning show ng GMA Network, nasakote ng mga personnel ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dayuhan sa isang hotel sa Pasay City noong Miyerkules, Abril 2.

Batay pa sa ulat, hindi nagustuhan ng mga netizen ang pang-iinsulto at hindi kanais-nais na behavior ng Rusong si Vitaly Zdorovetskiy sa mga Pilipinong nakakasalubong niya habang nagla-livestream sa Bonifacio Global City.

Ayon naman sa Instagram post ni GMA news anchor Arnold Clavio, idineklara ng Bureau of Immigration (BI na isang "undesirable foreign nationaI si Vitaly Zdorovetskiy matapos ireklamo ng ilang mga Pinoy na bahagi ng kaniyang content sa kaniyang social media platforms.

National

VP Sara, tinawag na 'lason' ang graft and corruption: ‘It needs to be cut!’

Kaugnay nito, arestado ang suspek at posible pang maharap sa pagpapadeport, ayon na rin sa BI.

Kasalukuyang nasa detention center ng Camp Bagong Diwa sa Taguig ang Russian vlogger.