May 08, 2025

Home BALITA National

Palasyo, sinagot si Sen. Bato: 'Nagkaroon na ng first hearing, siya po yata yung wala'

Palasyo, sinagot si Sen. Bato: 'Nagkaroon na ng first hearing, siya po yata yung wala'
Photo courtesy: screengrab from RTVM at Senate of the Philippines/FB

Binuweltahan ng Malacañang ang naging pahayag ni reelectionist Senator Ronald “Bato” dela Rosa tungkol sa hindi pagsipot ng ilang miyembro ng gabinete sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, Abril 3, 2025.

Sa press briefing nitong Huwebes, tahasang iginiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na si Dela Rosa raw ang naunang hindi sumipot sa nasabing pagdinig ng Senado.

“Hindi po ba n’ya natatandaan na nagkaroon na ng first hearing, siya po yata yung wala. That was an opportunity para sa kaniya para magtanong. So ‘wag n’ya po sisihin kung ngayon po ay hindi umattend ang mga cabinet officials natin sa pangalawang hearing po,’ ani Castro.

Dagdag pa niya, “Anim na oras po ang naging hearing noong una. Sana po dumating siya, nagpakita siya, para po nakapagtanong siya nang maayos.” 

National

Tatay sa nanagasa sa anak niya sa NAIA: 'Mabulok sa kulungan!'

Nauna nang iminungkahi ni Dela Rosa nito ring Huwebes na ipa-subpoena ang ilang opisyal ng gobyerno na hindi sumipot sa imbestigasyon ng Senado.

KAUGNAY NA BALITASen. Bato, pinapa-subpoena Cabinet officials na ‘di dumalo sa hearing': 'Wala nang respetuhan ito!'

“So madam chair, I would like to move that we issue subpoena to these government officials. To require their presence in the next hearing. Kung mayroon ka pang gaganaping hearing, dapat i-subpoena itong sila para magkaalaman, klaruhin natin ito,” ani Dela Rosa.

Kamakailan lang nang kumpirmahin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala umanong miyembro ng gabinete ang dadalo sa nasabing pagdinig.

KAUGNAY NA BALITA: Mga miyembro ng gabinete ni PBBM, 'di sisipot sa pa-Senate hearing ni Sen. Imee

Noong Marso 20 nang ikasa ni Sen. Imee ang pagdinig kung saan nauna nang nilinaw nina Department of Justice (DOJ) Jesus Crispin "Boying" Remulla, Defense Secretary Gilberto Teodoro at National Security Adviser Eduardo Año na hindi umano nakipag-ugnayan ang bansa sa International Criminal Court (ICC) upang maaresto si dating Pangulong Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang cabinet members, nanindigang 'di tumulong ang Pinas sa ICC