April 04, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec, handang harapin kasong isinampa laban sa 'online voting' para sa OFWs

Comelec, handang harapin kasong isinampa laban sa 'online voting' para sa OFWs
Photo courtesy: MB File photo at Atty. Bebbot Torreon/FB

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na nakahanda silang harapin ang kasong isinampa sa Korte Suprema ng ilang mga abogado laban sa pagpapatupad ng online voting para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa darating na Midterm Elections. 

Sa panayam ng media kay Garcia nitong Huwebes, Abril 3, 2025, sinabi niyang nakahanda ang Comelec sa anumang diskusyon upang maipaliwanag nila ang nasabing bagong sistema sa pagboto para sa mga Pilipinong nasa abroad.

“Handa po kami na harapin yung kaso na ifinile sa amin diyan sa Korte Suprema, upang magkaroon ng interpretasyon kung talaga bang tama o mali yung Comelec. But as of now, the Comelec will proceed with internet voting in 77 posts abroad,” ani Garcia. 

Inihayag din ni Garcia na tinatayang nasa 19,000 mga botanteng OFW na raw ang nagrerehistro online. 

Eleksyon

Ara Mina, trending dahil sa reaksiyon sa hirit na joke ng kumakandidatong solon

“Sapagkat mag na-19 thousands na po na mga kababayan natin ang kasalukuyang nag-eenroll sa ating sistema..." anang Comelec chairman.

Dagdag pa niya, “Pinapaalala ko po sa lahat at kahit po doon sa nag-file, na dahil po sa paghahanda po natin—ang pagboto po ng mga kababayan natin abroad ay gagawin na po ngayong darating na 13 ng Abril.”

Matatandaang nito ring Huwebes nang magsumite sina Atty. Israelito “Bobbet” Torreon,  senatorial aspirants Atty. Jimmy Bondoc, at Atty. Vic Rodriguez, Sec. Al Cusi at Atty. Raul Lambino ng nasabing petisyon laban sa online voting. 

KAUGNAY NA BALITA: Torreon, iba pang abogado nagsumite ng petisyon laban sa ‘online voting’ sa eleksyon