April 04, 2025

Home SHOWBIZ Events

Carla Abellana nagbukas sa publiko na sumailalim sa 'egg freezing'

Carla Abellana nagbukas sa publiko na sumailalim sa 'egg freezing'
Photo courtesy: Carla Abellana (IG)

Ibinahagi ng Kapuso star na si Carla Abellana ang pagsailalim niya sa tinatawag na "egg freezing," sa kaniyang Instagram post noong Abril 2, 2025.

Mababasa sa kaniyang Instagram post ang mga pinagdaanang medical procedure ni Carla para sa tinatawag na egg freezing at "egg harvesting."

"After over a month of daily injections, countless other medications, multiple trips to @conceiveivfmanila, several blood tests, so much weight gain, and a whole lot of waiting, the day for egg harvesting and freezing finally came! "

"I can’t even describe the mix of excitement and gratitude I felt. FINALLY! It certainly tested my patience and faith, and while there was bit of fear and worry, Doctora Eds Ong-Jao and the Nurses at Conceive IVF Manila in QC were so reassuring and comforting every step of the way."

Events

Sharon kung bakit 'di dumadalo sa ABS-CBN Ball: 'I was always so fat!'

"I’m beyond thankful for my family and best friends’ support too as I pass this next step in my journey. THANK YOU, Lord!" aniya pa.

Marami naman sa kapwa celebrities ang nagpaabot ng pagbati para sa kaniya.

Maging mga netizen ay suportado ang ginawa ni Carla sa kaniyang egg cells.

"Egg Freezing shouldn’t be a taboo. Even IVF. We should embrace the freedom to decide. Just wondering why took a month of injections.. i did it twice here in SG and only between 10-12 days of injections."

"In a nutshell, us women have eggs (follicles) sa ovary natin. In a regular menstrual cycle, 1 mature egg will be released either left or right ovary. So for egg freezing, ang gagawin eh magiinject nang fertility medications for 10-12 days (common brands is Gonal F, Rekovelle, Puregon, Pergoveris) yung dosage ay depends sa profile mo. And each body will react differently sa meds. Ang goal is to have those follicles grow, to make it bigger then yung ang ihaharvest. Process called egg or oocyte retrieval. After maretrieve ang eggs, ipprocess ito ng embryologist, then will assess if the follicles collected are mature eggs. Then pag mature, they will freeze it."

"So so happy for you!! On my bucketlist this year too!"

"Yas, egg freezing takes off massive pressure. Happy for you and so brave to share publicly the actual process. "

"Good luck @carlaangeline take it easy and hope you get to have lots of healthy eggs and soon to have beautiful and health embryos "

Si Carla ay dating asawa ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez. Bukas na rin sa publiko na may baby boy na ang aktor sa kaniyang non-showbiz partner.

MAKI-BALITA: Tom Rodriguez, 'pinagalitan' sa pasilip sa umano'y mag-ina niya: 'Need pa i-zoom!'

Kinilala naman ng korte sa Pilipinas ang diborsyo ng kasal nina Carla at Tom sa Amerika.

"Ahm... we are divorced, recognized na po 'yan ng korte, ng local court po natin dito... we haven't spoken since, hindi pa po kami nagkikita o nag-uusap... we don't communicate anymore," sagot ni Carla sa panayam sa kaniya ni Boy Abunda sa "Fast Talk with Boy Abunda."

MAKI-BALITA: Carla Abellana, Tom Rodriguez divorced na!

ANO NGA BA ANG EGG FREEZING?

Sa ulat ng "Unang Hirit" ng GMA Network noong 2019, sinabing nauuso ang "egg freezing" sa kababaihan tulad ng mga celebrity.

Batay pa sa ulat, ang egg freezing o "egg banking" ay isang medical procedure na kinukuha ang "egg cells" ng isang babae at pine-preserve para mapanatili ang pagiging malusog ng mga ito.

Sa panayam ng UH kay Dr. Rudie Frederick Mendiola, MD, nagbigay siya ng dalawang rason kung bakit pinapa-preserve ng babae ang kaniyang egg cells. Tinawag niya itong "medical" at "social" freezing.

"Kapag sinabing medical talagang may dahilan nai-freeze ang eggs ng babae. Example niyan, may cancer ang babae, inoperahan, mag-undergo ng chemotherapy, kapag nag-chemotherapy, puwedeng mamatay ang eggs sa obaryo. So ang ginagawa, bago mag-chemotherapy, magha-harvest muna tayo ng itlog, ipi-freeze natin," aniya.

Swak naman daw ang social egg freezing sa mga babaeng walang medical condition, abala sa mga tungkulin o trabaho sa buhay, at nais lamang i-preserve o patagalin ang kanilang fertility. Puwede ring wala pang makitang partner o magiging ama ng kaniyang anak.

Dagdag pa ng espesyalista, dumadausdos ng 15% ang chance na mabuntis ang isang babae sa edad 36 hanggang 39.

Sa panahon ng kaniyang interview, ang range ng halaga ng pagsasagawa nito ay nasa ₱130,000 hanggang ₱150,000 ang per cycle.

Subalit sa kabilang banda, walang garantiyang ang mga nakulang itlog sa pasyente ay mabubuo at magiging baby.