Nanindigan si Executive Secretary Lucas Bersamin na saklaw ng executive privilege ang ilang mga gabinete na hindi na sumipot sa pagdinig ng Senado hinggil sa umano’y ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, Abril 3, 2025.
Sa ambush interview ng media kay Bersamin nito ring Huwebes, iginiit niya na ang mga paksang tinalakay umano sa Senado ay sakop ng executive privilege sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr at ilang mga gabinete.
“When we learned about the topics, kasi 'yung invitation ni Sen. Imee was quite specific about the topics. So, we had a look at this invitation and we determined that there were many probable or likely topics na covered by those matters that could come under 'yung executive privilege,” ani Bersamin.
Dagdag pa niya, mas mainam daw na maaga silang sumulat sa hindi pagdalo ng ilang miyembro ng gabinete.
KAUGNAY NA BALITA: Mga miyembro ng gabinete ni PBBM, 'di sisipot sa pa-Senate hearing ni Sen. Imee
“So it was best to get ahead with a letter to the Senator and the Senate President so that they would be formally informed that in that hearing, our Cabinet secretaries and other executive officers will be not forced to respond to questions concerning these matters. That’s the essence,” anang executive secretary.
Samantala, nauna nang iminungkahi ni Sen. Bato Dela Rosa nito ring Huwebes na ipa-subpoena ang ilang opisyal ng gobyerno na hindi sumipot sa imbestigasyon ng Senado.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, pinapa-subpoena Cabinet officials na ‘di dumalo sa hearing': 'Wala nang respetuhan ito!'
Nagpahaging din si Sen. Imee Marcos kay Bersamin at sinabing pawang mga kaduwagan umano ang hindi naging pagsipot ng ilang gabinete.
KAUGNAY NA BALITA: Sigaw ni Sen Imee kay Sec. Bersamin: 'Bring them here!'