April 04, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ara Mina, trending dahil sa reaksiyon sa hirit na joke ng kumakandidatong solon

Ara Mina, trending dahil sa reaksiyon sa hirit na joke ng kumakandidatong solon
Photo courtesy: Screenshot from @ricci_richy (X)

Trending sa social media platform na X, Huwebes, Abril 3, ang aktres at tumatakbong konsehal sa ikalawang distrito ng Pasig City na si Ara Mina, matapos sitahin ng mga netizen sa umano'y pagtawa niya sa biro ni Atty. Christian "Ian" Sia, tumatakbong kongresista sa nabanggit na lungsod.

Photo courtesy: Screenshot from X

Si Ara ay unang beses na tatakbo sa nabanggit na posisyon katunggali ang aktres na si Angelu De Leon. Sina Ara at Atty. Ian ay pawang nasa tiket ni Sarah Discaya, ang kalaban sa pagka-alkalde ng Pasig, ni incumbent mayor Vico Sotto.

Kumalat sa X ang isang video clip kung saan mapapanood na tila nagbiro si Atty. Sia sa solo parents na "nireregla" pa.

Photo courtesy: Screenshot via @ricci_richy (X)

Mapapansing tila nangyari ito sa isa sa mga pangangampanya nila. Nang mga sandaling iyon ay nasa likod lamang si Ara at nakaupong nakikinig.

Eleksyon

Joke ng Pasig candidate tungkol sa single moms, di nakakatuwa—DSWD Sec. Gatchalian

Hirit na joke ni Atty. Sia na mapapanood sa 23-second video clip, "Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae, na nireregla pa, malinaw nireregla pa, at nalulungkot, minsan sa isang taon, puwede pong sumiping sa akin."

Maririnig naman sa video ang tawanan ng mga nakikinig bagama't hindi na sila makikita rito.

Sa likod, makikitang napa-react si Ara subalit hindi lubusang nakita ang kaniyang bibig dahil natatakpan ito ng tissue paper. Pero batay sa mga espekulasyon at interpretasyon ng mga netizen na sumita sa kaniya, "natawa" ang aktres sa biro.

Giit pa ng tumatakbong solon, "'Yon hong interesado magpalista na ho rito sa mesa sa gilid."

Wala nang karugtong ang nabanggit na video clip na kumakalat sa social media.

Bumalandra naman kay Ara ang ngitngit ng mga netizen, na mababasa sa iba't ibang posts ng user sa X.

"Tawa pa Ara Mina. He is talking about women. Mga katulad mo."

"Tuwang tuwa si Ara Mina sa kabastusan ng taong ito!"

"Look at Ara Mina, natatawa tawa pa Hello, her sister is a solo parent, right? And she was once a solo parent , too? If she doesn’t feel offended for other women, at least for her sister or for herself."

"diosko Ara Mina ano ginagawa mo dyan sa kabastusan na rally na yan"

"Ara mina tumatakbo din sya dito"

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman kay Ara at sinabing hindi siya ang dapat batikusin dahil natawa lang naman daw siya sa biro ng tumatakbong congressman. 

"I don't get it, yung lalake yung nagcommento ng kabastusan pero bat si ara mina nagtrending? Indi lang naman sya yung tumawa. Like not to defend her pero ang cringe lang ng mga tao rito"

"hindi kinakaya ng ilong ni Ara Mina ang lansa ng pinagsasabi nitong manong na ito!"

"Huwag tayo manghusga. Sa mga nagsasabing natawa, nakatakip naman yung mukha niya so hindi tayo sure."

"Puwedeng natawa na lang siya pero deep inside, baka nagsisi na sa sinamahang grupo."

"why si ara ang inaatake? yung nagsasalita dapat, tumawa lang naman siya. tumawa rin naman yung mga nandun..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Ara Mina o ni Atty. Ian Sia tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.