Binatikos ni House Speaker Martin Romualdez ang pagkalat ng umano'y "fabricated stories" at "scripted videos" ng mga krimen sa social media para lamang daw mag-viral, sa kabila ng ulat ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crime rate sa Pilipinas.
Matatandaang noong Pebrero 19, 2025 nang iulat ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil bumaba ng 26.76% ang crime rate sa bansa mula noong Enero 1 hanggang Pebrero 14.
BASAHIN: Crime rate sa bansa, bumaba ng 26%, giit ni Marbil; 'Crime is going down!'
“‘Wag tayong maging tagapagsalita ng kasinungalingan," saad ni Romualdez sa isang pahayag nitong MIyerkules, Abril 2.
"While real crime is going down, fabricated stories and scripted videos are spreading like wildfire online. Fear is being peddled for clicks and views. That’s not just irresponsible—it’s dangerous,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin pa ng House Speaker na kapag ang mga tao ay nagsasagawa ng krimen para lamang mag-viral, hindi lang daw nila nililinlang ang publiko kundi iniinsulto umano ang mga tunay na biktima.
“When people stage crimes just to go viral, they’re not just misleading the public—they’re mocking real victims and sabotaging police work. It’s an insult to every Filipino who wants genuine peace and order,” ani Romualdez.
Sambit pa niya, “Social media is a powerful tool. But when it’s used to manufacture lies and sow panic, it becomes a threat to national stability. Freedom of speech does not mean freedom to mislead and deceive."
Noong Martes, Abril 1, pinuri ni Romualdez ang PNP, habang binabanggit ang pagbaba ng krimen sa buong bansa.
“Our streets are safer. That’s the truth. But when fake crime content dominates social media, people are made to feel otherwise. We must not let lies erase the progress we’ve made,” anang House Speaker.
Samantala, nauna na ring iginiit ni Marbil noong Marso 29 na nakakaapekto umano ang social media upang magmukha raw malala ang krimen.
“Malinaw sa ating crime data na bumababa ang bilang ng mga insidente, ngunit dahil sa lawak ng exposure ng ilang kaso, lalo na sa social media, nagmumukhang lumalala ang kriminalidad,” aniya.
BASAHIN: Marbil, nanindigang bumababa krimen sa bansa; social media, pinalalala lang daw sitwasyon?