April 03, 2025

Home SHOWBIZ

Esnyr, emosyunal nang sabihan ng tatay noon na 'pasarap buhay' lang sa Maynila

Esnyr, emosyunal nang sabihan ng tatay noon na 'pasarap buhay' lang sa Maynila
screenshot: Kapamilya Online Live

Sa likod ng palaging pagpapatawa sa housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya, may mabigat na dinadala tungkol sa ama ang social media personality na si Esnyr Ranollo.

Sa isang episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab, ibinahagi ni Esnyr ang mga misconception sa kaniya ng mga tao. Na-open din ang topic tungkol sa kaniyang pamilya--dahilan kung bakit siya naging emosyunal.

Kuwento niya, nagsimula siya gumawa ng content noong panahon ng pandemya. Kumikita raw siya noon ng 5,000 hanggang 10,000 kaya siya na sumasagot ng pang-grocery at pagbabayad sa kuryente sa bahay nila sa Davao del Sur. 

"Sobrang little things lang hanggang sa palaki nang palaki. Hanggang sa may opportunity ako rito sa Manila. Doon pala magsisimula 'yong problem ko sa family ko," kuwento niya.

Events

Carla Abellana nagbukas sa publiko na sumailalim sa 'egg freezing'

Dumating daw sa punto na tumawag sa kaniya ang pamilya niya at sinabing makukulong ang ama niya dahil sa utang. 'Yong halaga raw ng utang ng ama niya ay saktong halaga ng kikitain niya, ibinigay niya raw ito dahil ayaw niyang makulong ang ama niya. 

"Since medyo malaki 'yong binayaran ko para lang hindi makulong ang father ko. Kumayod ako, tinanggap ko lahat-lahat ng brands. Everyday gumagawa ako ng script, mag-eedit ako, magsho-shoot ako tapos sobrang busy ko that time na nagme-message sila papa sa akin, monthly sila nagme-message, 'saan na 'yong pera.'

"Tapos hindi ako nakapag-reply. Doon ko unang natanggap 'yong unang message ng papa ko sa akin na 'Grabe ka magpasarap sa buhay mo d'yan. Kaya mo makita 'yong parents mo na naghirap. Pero sige lang, gusto kong malaman mo na mabubuhay kami kahit wala ka'," emosyunal na kuwento ni Esnyr.

"Sobrang sakit kasi ginawa ko 'to para sa kanila. Hindi ako humihingi ng mga bagay sa kanila, ako 'yong bigay nang bigay. Natatakot nga kong tawagin sarili ko na breadwinner kasi sinabi sa akin ni papa na 'Huwag mo nama i-take credit lahat kasi nagwo-work ka.' Gets ko naman 'yon kaya hindi ko tinatawag sarili ko na breadwinner. 

"Every month, nagme-message siya sa akin na 'Hello, John, Kumusta.' Tapos magre-reply ako. After no'n always na nanghihingi. Never ako na-chat na kumusta, na kumusta lang.

"Never in my life naging close kami. Never in my life nakapagsabi ako ng 'i love you' sa kaniya. Never in my life sinabihan niya ako ng 'i love you na sobrang saya ko na anak kita.' Wala akong narinig na gano'n. Kaya ayon gusto ko talaga na sumali dito kasi hindi lang dream ko sa sarili ko na gustong maging kauna-unahang LGBT representation sa Big 4 pero talagang mostly para talaag sa pamilya ko. Gusto kong malaman nila ang sobrang mahal na mahal ko sila," pagkukwento pa niya.

Sa huling bahagi, nagbigay-mensahe si Esnyr sa kaniyang ama.

"Pa, sobrang mahal kita, Pa. I'm doing everything for you. Kahit wala man itong PBB o meron, gusto ko lang na magiging okay kami ng papa ko kasi parang buong buhay ko na ito binibitbit."

Inirerekomendang balita