Itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kumakalat na bali-balita na maaari umanong makapagpiyansa sa halagang ₱1 milyon ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na dinakip sa Qatar.
Sa isang episode ng “Storycon” ng One News PH noong Martes, Abril 1, tinawag ni DFA Secretary Eduardo de Vega “fake news” ang naturang balita.
“That's fake news…Walang bail dito. Mangyayari dyan, either ipapalaya sila o kakasuhan at saka matagal detention,” saad niya.
Matatandaang nangyari ang naturang pag-aresto matapos umanong lumahok sa political demonstrations ang ilang OFWs.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, 17 pa rin ang nasa kustodiya habang ang tatlong menor de edad naman ay pinalaya na.
MAKI-BALITA: Ilang Pinoy sa Qatar, inaresto at ikinulong dahil sa umano'y 'political demonstrations'