April 03, 2025

Home BALITA National

Dahil daw kay PBBM: VP Sara, FPRRD nagkaroon ng ‘father-daughter’ relationship

Dahil daw kay PBBM: VP Sara, FPRRD nagkaroon ng ‘father-daughter’ relationship
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo at Bongbong Marcos/Facebook

Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, dahil sa naging epekto raw sa kanilang pamilya ng mga kinahaharap nilang isyu sa bansa dulot umano ng administrasyong Marcos. 

Sa panayam ng media kay VP Sara sa The Hague noong Martes, Abril 1, 2025, inamin ng Bise Presidente na mas nagkaroon umano siya ng relasyon sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

“And this really is ironic but I have to thank Bongbong Marcos because there was forgiveness between me and PRD, for all that has happened in our lives. We have the relationship now, a father-daughter relationship. Since we cannot discuss anything legal anymore because it is understood inside that only the lawyers can discuss legal matters with the former President. So we only discussed family. And this has been one of the longest meetings I had with the former President,” ani VP Sara.

Dagdag pa niya, “Growing-up, he was always busy with work, he was always busy with the country, and now I have this, everyday with him. Talking about life, talking about family and for that, I feel like I am blessed.”

National

'Guni-guni lang?' VP Sara, nagkomento sa bagong listahan ng mga pangalan sa confidential funds

Matatandaang nananatili sa Netherlands sina VP Sara matapos maaresto si dating Pangulong Duterte noong Marso 11 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ng International Criminal Court (ICC) para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng naging dugo niyang kampanya kontra droga. 

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Ex-President Duterte na nakatakdang humarap sa confirmation of charges hearing sa darating na Setyembre 23. 

KAUGNAY NA BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025

Inirerekomendang balita