April 03, 2025

Home BALITA Internasyonal

American author na si Nicholas Kaufmann, napagkamalang abogado ni Duterte

American author na si Nicholas Kaufmann, napagkamalang abogado ni Duterte
Photo Courtesy: Nicholas Kuafmann (FB), via MB

Maging ang pangalan ni American author Nicholas Kaufmann ay nadawit sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa Facebook post ni Kaufmann noong Martes, Abril 1, ibinahagi niyang binaha umano siya ng followers at commenters mula sa Pilipinas.

“I am being absolutely flooded today with followers and commenters from the Philippines who I guess don't believe I'm not Duterte's lawyer,” saad ni Kaufmann. 

Dagdag pa niya, “Our names aren't even spelled the same (he's Kaufman with one N). It's insane!”

Internasyonal

DFA, pinabulaanang puwedeng makapagpiyansa sa halagang ₱1M ang OFWs na dinakip sa Qatar

Bago pa man kasi ito ay umabiso na siya sa mga Pilipino para linawing hindi siya ang tatayong abogado ni Duterte sa ICC sa kaso nitong crimes against humanity.

Aniya, “PEOPLE OF THE PHILIPPINES, I AM *NOT* THE ICC LAWYER NICHOLAS KAUFMAN WHO IS REPRESENTING PRESIDENT DUTERTE! PLEASE STOP MESSAGING ME!”

Si Kaufmann ay isang manunulat na ang mga akda ay nakatutok sa horror, urban fantasy, at adventure. Ilan sa mga libro niya ay "100 Fathoms Below," "The Hungry Earth," "Chasing the Dragon," "Dying Is My Business," at "Die and Stay Dead."

Samantala, ang British-Israeli lawyer na si Nicholas Kaufman naman na magsisilbing lead counsel ni Duterte sa ICC ay isang international lawyer na nagtapos ng abogasya sa University of Cambridge noong 1989.

Isa raw siya sa mga leading advocate na nag-i-specialize ng international criminal law, supra-national regulatory law at commercial arbitration.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Sino si Nicholas Kaufman na tatayong lead counsel ni FPRRD sa ICC?