April 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sigaw sa kampanya ni Mocha Uson, 'Cookie ni Mocha ang sarap-sarap!'

Sigaw sa kampanya ni Mocha Uson, 'Cookie ni Mocha ang sarap-sarap!'
Photo courtesy: Screenshot from Mocha Uson Distrito Tres (FB)

Usap-usapan ang pamukaw-pansin ni dating assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ngayo'y tumatakbong councilor sa District 3 ng Maynila sa ilalim ng "Yorme's Choice" na si Mocha Uson, sa mga botante ng lungsod sa naganap na proclamation rally noong Marso 30, 2025.

Mapapanood sa kuhang video na makikita mismo sa Facebook page na "Mocha Uson Distrito Tres" ang pagsayaw ni Mocha sa saliw ng isang campaign jingle na patungkol sa "Cookie ni Mocha."

Makikita rin sa mga video ang pagsigaw ni Mocha ng "Cookie ni Mocha!" na sasagutin naman ng mga tao ng "Ang sarap-sarap!"

"Natikman n'yo na ba ang cookie ni Mocha?" hirit pa niyang tanong sa mga dumalo sa campaign rally.

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

Pero ipinaliwanag ni Mocha kung ano nga ba ang "Cookie ni Mocha."

"Kapag nalaman niyo ang kwento, ang Cookie ni Mocha ay isang simbolo ng pag-asa at tunay na pagbabago," aniya.

Aniya pa sa isang Facebook post, "Sampung taon na ang nakalipas mula nang mabuo natin ang Cookie ni Mocha—isang munting negosyo kung saan natin nakilala si Nanay Lourdes, isang mahusay na panadera na naging kaagapay natin sa paggawa ng Cookie ni Mocha "

"Ngunit nang malaman natin na siya ay may Stage 4 breast cancer tulad ng aking ina, nagdesisyon tayong ialay ang lahat ng kinita ng Cookie ni Mocha para sa kanyang pagpapagamot."

"Mula sa isang simpleng negosyo, ito ay naging isang adbokasiya—isang laban para sa kalusugan ng ating mga kananayan

Ngayon, ibinabalik natin ang Cookie ni Mocha, dahil hindi lang yan Cookie lamang, ito ay ating simbolo ng pag-asa para sa isang mas maunlad na kinabukasan ng ating kananayan at mga senior citizens sa ating distrito," aniya pa.