April 02, 2025

Home BALITA National

Mga miyembro ng gabinete ni PBBM, 'di sisipot sa pa-Senate hearing ni Sen. Imee

Mga miyembro ng gabinete ni PBBM, 'di sisipot sa pa-Senate hearing ni Sen. Imee
Photo courtesy: via MB/Balita

Hindi umano dadalo ang mga inimbitahang opisyal ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa executive branch, sa nakatakdang pagdinig ulit ng Senate Foreign Relations Committee ni Sen. Imee Marcos sa Huwebes, Abril 3, kaugnay pa rin sa pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Opisyal at pormal na nagpadala ng liham si Executive Secretary Lucas Bersamin kina Senate President Chiz Escudero at lider ng komite na si Sen. Imee, na nagpapahayag ng pagtangging pagdalo sa nabanggit na pagdinig.

Umalma naman dito ang senadora dahil tila taliwas daw ito sa naunang pahayag ng Malacañang na hindi sila makikialam kung sakaling may mga opisyal ng pamahalaan ang ipatawag sa inquiry.

"Sino ba ang dapat sundin? Hindi tugma ang sinasabi ni Executive Secretary Bersamin at ni Pangulong Marcos," saad ng senadora sa isang press release.

National

Rep. Acidre, hinamon si Roque na tulungan OFWs na naaresto sa Qatar

"Hindi puwedeng may kaniya-kaniya silang desisyon. Para saan pa ang salita ng pangulo kung hindi naman pala nila susundin?"

Dagdag pa niya, "Kasi sayang naman ang pagkakataon, maririnig ng tao kung ano talaga nangyari. Kung nagkamali ako, tatanggapin ko naman. At mas maganda 'yong nagkakaliwanagan. Kasi ‘pag hindi sumisipot, ang duda ng tao may tinatago..."

Photo courtesy: via ABS-CBN News (FB)

Isinagawa ang unang pagdinig tungkol dito noong Huwebes, Marso 20.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, tinawag na ‘pang-aalipin’ ang ‘hustisyang ipinapataw ng dayuhan’