Nagbigay ng reaksiyon ang political analyst at TV host na si Richard Heydarian kay dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque, hinggil sa panawagan nito sa pamahalaan ng Qatar sa umano'y pagkakaaresto sa ilang Overseas Filipino Workers (OFW) dahil daw sa ilegal na political demonstrations doon, sa kasagsagan ng pagdiriwang ng 80th birthday ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ibinahagi ni Heydarian ang isang video clip kung saan mapapanood ang panayam kay Roque ng media.
"We're appealing to the Qatari authorities, the state of Qatar has always been a very good friend of President Rodrigo Roa Duterte, we are appealing to you to understand the sentiments of our countrymen. They love the [ex] president and they cannot accept the fact that he is now here at The Hague, held as prisoner by westerners," saad ni Roque.
"So we have a common history of being colonized by the west and I hope you do understand why the Filipinos love President Duterte," dagdag pa niya.
Caption naman dito ni Heydarian, "HARRY THE HYPOCRITE strikes again!!!"
"'Colonizers' daw The Hague sabay apply asylum agad there! ," dagdag pa.
Isang "Kristina Wood" naman ang nagkomento sa sinabi ni Heydarian.
"Richard Heydarian labo ng logic. Kelangan nya ata mag MCT oil food for the brain," aniya.
Tugon naman ng political analyst, "Kristina Wood balimbing syndrome ang problem nito."
Matatandaang kamakailan lamang ay inihayag ni Roque na nagpasa na siya ng asylum application sa pamahalaan ng The Netherlands.
MAKI-BALITA: Roque, napahagulgol sa asylum application: ‘Wala nang tago-tago!’
Samantala, kamakailan lamang ay nadeklarang "persona non grata" ng ilang mga lugar si Heydarian matapos batikusin dahil sa kaniyang pagkakalarawan sa Mindanao bilang "sub-Saharan Africa" pagdating sa human development index (HDI), sa panayam sa kaniya ng CNN.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga lungsod sa Mindanao na nagdeklarang 'persona non grata' kay Richard Heydarian