April 02, 2025

Home BALITA National

Atty. Nicholas Kaufman, nagbabalak mag-file ng 'interim release' para kay FPRRD

Atty. Nicholas Kaufman, nagbabalak mag-file ng 'interim release' para kay FPRRD
Photo courtesy: MB/ICC

Nilalakad na umano ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maghain ng "interim release" para sa kaniya, sa pagkakadetine sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam ng international media kay Atty. Nicholas Kaufman, na iniulat naman ng GMA News, sinabi niyang pinag-iisipan nilang mag-file ng interim release para sa dating pangulo, na aniya ay karapatan ng kaniyang kliyente.

“Interim release [can] only be tempered by three factors. The first of which is the risk of flight, the second of which is the risk of interference of witnesses with the evidence, and the third of which is the risk of continuing crimes. None of those factors exist in the present situation,” pahayag ng legal counsel ng dating pangulo.

“There is a right for Mr. Duterte to be released. We are working on that, but the timing of when we intend to introduce such an application is yet to be decided," aniya pa.

National

Sen. Imee, muling hiniling na dumalo ilang gabinete ni PBBM sa imbestigasyon para kay FPRRD

Noong Biyernes, Marso 28, ipinagdiwang ng dating pangulo ang 80th birthday kasama pa ng iba't ibang pagtitipon ng kaniyang mga tagasuporta sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa, partikular na sa labas ng ICC.

Nahaharap ang dating pangulo sa kasong "crimes against humanity" sa ICC.