April 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

Atty. Luke Espiritu, sinita campaign jingle ni Mocha Uson: 'Mismong babae binabastos ang kababaihan!'

Atty. Luke Espiritu, sinita campaign jingle ni Mocha Uson: 'Mismong babae binabastos ang kababaihan!'
Photo Courtesy: Luke Espiritu, Screenshot from Mocha Uson Distrito Tres (FB)

Hindi nakaligtas kay senatorial aspirant at labor leader Atty. Luke Espiritu ang campaign jingle ni Mocha Uson, dating assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sa ginanap kasing proclamation rally noong Marso 30, sumayaw si Uson sa saliw ng isang campaign jingle na patungkol sa “cookie ni Mocha na ang sarap-sarap.”

Kaya sa Facebook post ni Espiritu nitong Martes, Abril 1, binira niya ang naturang campaign jingle na isa umanong anyo ng pambabastos sa kababaihan.

“‘April Fools' nga ba ang isinunod sa Women's Month? Pero seriously, mismong babae binabastos ang kababaihan--na ang halaga ng kababaihan ay nirereduce sa kanilang private parts,” saad ni Espritu.

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

Dagdag pa niya, “Si Mocha mismo ay ahente ng patriyarka na umaapi sa kababaihan. At sya ang patotoo kung bakit ideolohiyang tanga ang Dutertismo.”

Kasalukuyang tumatakbo si Uson bilang councilor sa District 3 ng Maynila sa ilalim ng "Yorme's Choice."

MAKI-BALITA: Sigaw sa kampanya ni Mocha Uson, 'Cookie ni Mocha ang sarap-sarap!'