Plano ng administrasyong Marcos na humiram ng ₱735 bilyon sa ikalawang quarter ng 2025, kung saan 17% na tumaas ito kumpara sa planned ₱629-billion noong unang quarter ng taon, ayon sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr).
Mula Abril hanggang Hunyo, balak ng gobyerno na humiram ng ₱325 bilyon sa Treasury bills (T-bills), isang ₱61 bilyon o mahigit 23% ang itinaas mula sa ₱264 bilyon noong unang quarter. Ang mga T-bill ay bubuo ng higit sa 44% ng kabuuang second-quarter debt offerings.
Samantala, ang mga Treasury bond (T-bond), o pangmatagalang utang ng gobyerno, ay kukuha ng mas malaking bahagi, halos 56%, na may planned borrowings na ₱410 bilyon. Ito ay ₱45 bilyon o mahigit 12% pagtaas mula sa unang quarter na ₱365 bilyon.
Kumakatawan ang domestic borrowing ng second quarter sa halos 29% ng kabuuang planong paghiram ng gobyerno na ₱2.545 trilyon para sa 2025.
Upang mapanatili ang 80:20 domestic-to-external borrowing mix, ang panlabas na utang ay dapat na humigit-kumulang ₱184 bilyon, dahil sa planong kabuuang ₱735 bilyon at ₱919 bilyong domestic ceiling.
Noong 2024, tumaas ang kabuuang utang ng administrasyong Marcos sa ₱2.56 trilyon, isang ₱370 bilyon o halos 17% pagtaas mula sa ₱2.19 trilyon noong 2023. Lumampas ito sa planong ₱2.46 trilyon ng ₱100 bilyon, o mahigit 4%.
Tumaas ang domestic debt ng ₱290 bilyon hanggang ₱1.92 trilyon noong 2024, kung saan halos 18% ang naging pagtalon nito. Bagama't kumakatawan ito sa 75% ng total borrowings, bahagyang mas mataas sa 74.5% noong 2023, kulang pa rin ito sa 80:20 na target.
Derco Rosal