April 02, 2025

Home BALITA

Medal of merit, iginawad sa mga pulis na tumugis sa namaril na driver sa Antipolo

Medal of merit, iginawad sa mga pulis na tumugis sa namaril na driver sa Antipolo
Photo courtesy: screengrab from Teleradyo Serbisyo/YT

Kinilala ng Police Regional Office 4A (PRORA) ang naging matagumpay na paghuli ng walong tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa viral na driver ng isang SUV na namaril Antipolo City noong Linggo, Marso 30, 2025. 

Iginawad ng PNP sa ka kanila ang Medalya ng Kagalingan o PNP Medal of Merit sa pangunguna ni PNP Chief General Rommel Marbil nitong Lunes, Marso 31. 

“The courage and quick thinking demonstrated by our police officers in this incident embody the very essence of our duty to serve and protect. The police in PRO4A are on alert 24/7 and always ready to respond, even on Sundays,” ani Marbil. 

Matatandaang noong Linggo nang barilin ng isang lalaking driver ng SUV ang tatlong rider sa Antipolo na kaniyangnakagrian habang binabaybay ang kahabaan ng Marcos Highway. Nabaril din ng naturang suspek ang kaniyang girlfriend na tinamaan sa hita.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

KAUGNAY NA BALITA: ‘Pang-self defense lang daw?’ Lalaki, namaril sa Antipolo, 4 sugatan kabilang sariling jowa

Samantala, agad ding natugis ng mga awtoridad ang suspek sa ikinasang operasyon matapos niyang magtangkang magtago.

Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing pamamaril bagama't isang biktima ang nananatiling nasa kritikal na kundisyon matapos tamaan ng bala sa ulo.