April 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

Lola Amour nagpasaring sa mga gumagamit ng kanta nila sa campaign jingles na 'di nagpaalam

Lola Amour nagpasaring sa mga gumagamit ng kanta nila sa campaign jingles na 'di nagpaalam
Photo courtesy: Lola Amour (FB)

May makahulugang Facebook post ang OPM band na "Lola Amour" sa mga umano'y gumagamit ng mga kanta nila na hindi naman daw humingi ng pahintulot mula sa kanila para magamit sa campaign jingles.

Sa panahon ng kampanya lalo't nagsimula na ang campaign period para sa local candidates, tila nakasanayan na ang paggamit ng campaign jingles upang makapukaw sa atensyon ng mga botante.

Mababasa sa Facebook post ng banda, Linggo, Marso 30, "Madami na naman daw gumagamit ng mga kanta namin para sa mga campaign jingles."

"Please note that all of those are used WITHOUT our consent."

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

"What if I told you that it’s stolen?" anila pa.

Hindi naman tinukoy ng banda kung sinong kandidato ang tinutukoy nila.

Paglilinaw pa ng Lola Amour, "We will never endorse a candidate we don’t believe in or di namin alam yung platform."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"pwede nyo po sila ireklamo. may batas po tayo about Intellectual Property Rights."

"Tumatakbo pa nga lang magnanakaw na HAHAHAHA."

"Mahirap din kasuhan kasi baka ma ban kayo sa kanilang mga pa concert bilang retaliation"

"File kayo ng case like yung nangyari kay Omar B nung ginamit kanta nya"

Sa kaugnay na balita, kinasuhan ng rapper artist na si Omar Baliw si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader at senatorial aspirant na si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa wala umanong pahintulot na paggamit ng kaniyang kanta sa ginanap na proclamation rally nito.

Isa sa mga kilalang awitin ng Lola Amour ay "Raining in Manila."