April 02, 2025

Home BALITA

Huwag na raw awayin! Maharlika, una raw boboldyak kay Mariz kapag may mali

Huwag na raw awayin! Maharlika, una raw boboldyak kay Mariz kapag may mali
(photos from Facebook)

"Bff na kami ni Ma'am Mariz Umali..."

Pakiusap ng vlogger na si Claire Contreras, o mas kilala bilang Maharlika, sa mga supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag na raw awayin si GMA News Reporter Mariz Umali dahil ginagawa lang daw nito ang trabaho nito.

Sa isang Facebook video na shinare ni Maharlika sa kaniyang page na "Boldyakan," mapapanood na nakiusap si Maharlika sa mga DDS supporter na huwag na awayin si Mariz.

"Hello sa aking mga kababayan... lalo na rito sa Netherlands. BFF na kami ni Ma'am Mariz Umali 'wag na kayo mang-away. Iisang lahi tayo. Alam kong mapusok tayo but she's just doing her job. 'Wag kayong mag-alala, kung mayroon siyang mali, ako unang boboldyak. Pero ngayon bff kami. Please lang. Happy happy tayo...," saad ni Maharlika.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

Sabi niya naman kay Mariz, "basta kapag may nang-away sa inyo, ako ang boboldyak. Thank you." At niyakap niya rin ang mamamahayag.

"Actually, I really understand your job. I know how hard it is. We all know the situation," dagdag pa niya.

Pinasalamatan naman siya ni Mariz at nag-picture pa silang dalawa. 

Matatandaang na-bash si Mariz matapos intrigahin tungkol sa isang kuhang video na tinawag daw niyang "matanda" si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea, nang isakay ito sa ambulansya at isugod sa ospital habang nasa The Hague, Netherlands noong Marso 18.

Si Mariz ay nasa International Criminal Court (ICC) upang subaybayan ang mga nagaganap sa labas ng vicinity ng ICC kung saan nakadetine si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay sa kasong "crimes against humanity."

Paliwanag naman ni Mariz sa kaniyang Facebook post, hindi matanda ang sinabi niya kundi "mata niya."

MAKI-BALITA: Mariz Umali nilinaw isyung tinawag niyang 'matanda' si Atty. Medialdea