April 02, 2025

Home BALITA

FPRRD, nagpasalamat sa mga bumati sa kaniyang 80th birthday

FPRRD, nagpasalamat sa mga bumati sa kaniyang 80th birthday
photo courtesy: ICC website, screenshot: Boldyakan/FB

Ibinahagi ni Honeylet Avanceña ang mensahe ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga bumati sa kaniyang kaarawan noong Marso 28. 

Ilang araw bago ang kaarawan ni Duterte, dumating sa The Hague, Netherlands si Avanceña kasama ang anak nilang si Kitty Duterte.

MAKI-BALITA: Honeylet Avanceña, Kitty Duterte nasa The Hague na

Kinapanayam ng vlogger na si Maharlika si Avanceña at kinamusta ang pagbisita nila ni Kitty sa dating pangulo at ano ang sinabi sa kaniya nito.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

"Pagdating namin, nagyakapan kaming tatlo. Sabay kami ni Kitty kumanta ng happy birthday sa kaniya," kuwento ni Avanceña.

"Kagaya ng sinabi niya kay VP Sara [Duterte] na 'there will always be a day of reckoning.' Sinabi rin niya Psalms 91:8--'I will let you see with your own eyes the destruction and the punishment of the wicked.' Ang ganda ng promise ng Panginoon," dagdag pa niya. 

Nagbigay-mensahe raw si Duterte para sa mga bumati sa kaniyang kaarawan.

"Sabi niya, salamat sa suporta at sa pagmamahal. As usual, sabi niya, mahal niya lahat ang mga Pilipino sa buong mundo, sa Pilipinas at sa labas ng bansa," ani Avanceña.

"'Yon naman talaga e. Miski na no'ng presidente siya. Mas minahal pa nga niya ang mga Pilipino at ang Pilipinas," dagdag pa niya.

Samantala, nagbigay-pasasalamat din si Honeylet sa mga tagasuporta ni Duterte. 

"Maraming salamat sa inyong lahat. Alam ko nagdarasal kayo. 'Yong mga messages ninyo nababasa ko. Hindi ko man kayo masagot isa-isa pero ito lang ang hiling ko: Huwag tayong tumigil. Kasi ako hindi ako pwede mag-give up. Hindi tayo pwede mag-give up. Tulungan n'yo kami na maibalik ho namin siya [FPRRD] sa bahay namin. Marami hong salamat." 

KAUGNAY NA BALITA: Honeylet Avanceña, na-trauma sa nangyari kay FPRRD