Nilinaw ng embahada ng Pilipinas sa Thailand na wala umanong katotohanan ang natatanggap nilang mga bali-balitang may sampung Pilipino raw na nasawi sa Thailand bunsod ng 7.7 lindol na tumama sa Myanmar noong Biyernes, Marso 28, 2025.
Sa kanilang opisyal na Facebook page, inilabas ng embahada ang kanilang pahayag noong Sabado, Marso 29 hinggil sa nasabing maling impormasyon.
“The Philippine Embassy in Thailand received information that there had been news reports stating that 10 Filipinos perished in the earthquake in Thailand. This is false information,” anang embahada.
Dagdag pa nila, “As of this time, the Embassy has not received any report of Filipino nationals who were harmed by this unfortunate disaster.”
Patuloy din umano ang kanilang pag-monitor sa mga Pilipino sa Thailand na posibleng nangangailangan ng tulong bunsod ng pagtama ng lindol.
“The Embassy continues to monitor the situation for any Filipino nationals who may be affected and may need immediate assistance due to the earthquake,” anila pa.
Pinaalalahanan din nila ang publiko na maging mapanuri sa pagkuha ng mga impormasyon.
“The Embassy further advises Filipinos in Thailand to monitor updates from credible and verifiable sources of information, and avoid spreading fake and unverified news,” saad nila.