Inihayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na nasa mahigit 60,000 mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nakiisa sa pagdiriwang niya ng ika-80 kaarawan mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa panayam ng Super Radyo DzBB kay Fajardo nitong Linggo, Marso 30, 2025, sinabi niyang naging maayos naman ang naturang malawakang kilos-protesta ng mga tagasuporta ng dating Pangulo.
“Naging maayos at mapayapa naman sa pangkalahatan ang activities. Natapos ito ng wala naman tayong naitalang untoward incident,” ani Fajardo.
Dagdag pa niya, “ Ang ibinigay pong datos diyan ay nasa around 60,000 po nationwide po. At mga around 200 po ang mga iba’t ibang rallies na na-monitor po natin,”
Matatandaang noong Biyernes, Marso 28, nang ipagdiwang ni Duterte ang kaniyang kaarawan sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague sa The Netherlands.
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD