December 22, 2025

Home BALITA Probinsya

Cessna plane, bumagsak sa Pangasinan; piloto at kaniyang estudyante, patay!

Cessna plane, bumagsak sa Pangasinan; piloto at kaniyang estudyante, patay!
Courtesy: PNP Air Unit via GMA News

Nasawi ang isang piloto at isa niyang student pilot matapos bumagsak ang sinasakyan nilang Cessna plane sa Lingayen, Pangasinan nitong Linggo, Marso 30.

Ayon sa Philippine National Police (PNP)-Lingayen, naisugod pa sa ospital ang 32-anyos na piloto at 25-anyos na student pilot ngunit idineklara silang dead on arrival.

Pareho raw lalaki ang dalawang biktimang sakay ng naturang two-seater aircraft.

Hindi pa naman daw inilalabas ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga nasawi at ipinaaalam pa ang nangyari sa kanilang mga pamilya.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Samantala, wala naman umanong ibang nasaktan sa open area na pinagbagsakan ng eroplano.

**Ito ay isang developing story.