Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Batangas dakong 7:49 ng gabi nitong Linggo, Marso 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Verde Island sa Batangas City, Batangas, na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V - Calapan City, ORIENTAL MINDORO
Intensity II - San Luis, Batangas City, BATANGAS; Abra De Ilog, Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO; Pinamalayan, ORIENTAL MINDORO
Intensity I - Sta. Teresita, Tanauan, BATANGAS; Magallanes, CAVITE; Boac, MARINDUQUE; Victoria, ORIENTAL MINDORO
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.