Idinaan ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang kaniyang banat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang ilang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague sa Netherlands.
Sa video na nilabas ng News5 nitong Linggo, Marso 30, 2025 nilinaw pa ni Roque kung bakit aniya hindi siya naghahanap ng permanenteng trabaho sa The Netherlands.
“Because I'm still hoping that tomorrow they will be gone and I can go home. ‘Yan ang katotohanan, okay? I’m always hoping whenever I wake-up in the morning, maybe this is the day,” ani Roque.
Samantala, pinangunahan din niya ang panunukso kay PBBM habang sumasayaw sa harapan ng Duterte supporters.
Sigaw ni Roque, “Marcos bangag!”
Matatandaang kamakailan lang nang ihayag ni Roque na hindi na raw siya magtatago habang nananatili sa Netherlands at inaantay ang resulta ng kaniyang asylum application.
“Dito na muna ako. Wala nang tago-tago. Kaya nga nung pumirma ako ng aking asylum application napaluha talaga ako. Napahagulgol. Kasi sabi ko 'first time in a six and a half month hindi na ako nagtatago sa mga bangag," saad ni Roque.
KAUGNAY NA BALITA: Roque, napahagulgol sa asylum application: ‘Wala nang tago-tago!’