Muli na namang napatunayan sa buong mundo ang lawak at kulay ng Wikang Filipino, matapos maidagdag sa ang 11 isang salitang Pinoy sa kilalang diksyonaryo na Oxford Dictionary, kamakailan.
Ang Oxford Dictionary ay isang “historical dictionary” na naglalaman ng tinatayang 500,000 mga salita mula sa iba’t ibang bansa. Nakalista rin dito ang ilang mga salitang ginamit noon at ginagamit ngayon.
Narito ang 11 salitang Pinoy na binigyang-kahulugan ng Oxford dictionary:
1. Gigil- ang salitang gigil ay nagpapakita ng masidhing emosyon na kalimitang ipinaparamdam sa pamamagitan ng pisikal na manipestasyon sa isang tao.
2. CR- maging ang comfort room o karaniwang tawag ng mga Pinoy na “CR” ay kinilala rin ng Oxford.
3. Kababayan- ang Kababayan ay salitang Pinoy na nagpapakahulugan sa kapwa Pinoy at kalahi. Isanama rin ng Oxford ang isa pang kahulugan ng Kababayan bilang isang uri ng tinapay na hugis salakot.
4. Lumpia- isang uri ng pagkaing Pinoy na nakabalot sa pinalapad na harina. Ang kalimitang luto ng lumpia ay gulay at karne.
5. Pinoy- ang tawag sa mga taong lehitimong ipinanganak sa Pilipinas.
6. Salakot- isang tradisyunal na sombrerong isinusuot noong unang panahon at ng mga magsasaka.
7. Sando- isang “sleeveless” na damit.
8. Thomasite- ang tawag ng mga Pilipino sa mga Amerikanong gurong dumating sa bansa noong 1899 hanggang 1946.
9. Videoke- popular na pampalipas oras ng mga Pinoy sa mga selebrasyon at pagtitipon.
10. Load- ang tawag sa mga binibili ng Pinoy para sa kanilang sim card sa kani-kanilang mobile phones.
11. Terror- bagama’t salitang Ingles, kinilala ito ng oxford dictionary batay sa kalimitang gamit ng mga Pinoy sa nasabing salita upang ilarawan ang isang istrikta nilang guro.