March 31, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sey ni Mayor Lacuna: 'Hindi po dugyot ang Maynila'

Sey ni Mayor Lacuna: 'Hindi po dugyot ang Maynila'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Pinabulaanan ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang naging pahaging ni dating Manila mayor at ngayo’y tumatakbo bilang pagka-alkalde ng naturang lungsod na si Isko Moreno Domagoso na umano’y naging dugyot na raw ang Maynila.

Sa ambush interview ng media kay Lacuna noong Biyernes, Marso 28, 2025, iginiit niyang hindi raw totoong dugyot ang Maynila at nangyari lamang daw iyon nang umalis ang garbage collector nila na pro-Moreno.

"Hindi po dugyot ang Maynila. Ito po ay napatunayan na namin. Ito po ay naging dugyot lamang noong umalis po yung tagahakot ng basura, na alam na alam naman po ng lahat na kakampi n'ya. 'Yon lamang po ay isang pagkakataon, pero ngayon po, malinis na po ang lungsod,” ani Lacuna.

Matatandaang noong Biyernes din ng igiit ni Moreno sa kaniyang pangangampanya na pawang  agam-agam daw ng ilang taga-Maynila ay ang pagiging dugyot umano ng kanilang lungsod.

Eleksyon

Vilma Santos, dinedma kalabang sinabihan siyang ‘laos’ na

"Sa townhall namin, one thing is common: Ang worry nila ngayon eh naging dugyot ulit ang Maynila... Biruin mo, mag-alas-nuebe na ng umaga pero ang basura nasa kalsada pa. Talagang kino-complain 'yon ng mga taga-Maynila," saad ni Moreno. 

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Mayor Isko: 'Ang worry nila naging dugyot ulit ang Maynila'