March 31, 2025

Home BALITA National

Sen. Robin, nararamdaman pinagdadaanan ni FPRRD dahil sa pagiging ‘ex-convict’ niya

Sen. Robin, nararamdaman pinagdadaanan ni FPRRD dahil sa pagiging ‘ex-convict’ niya
Senador Robin Padilla at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (Facebook; file photo)

Ibinahagi ni Senador Robin Padilla na nararamdaman daw niya ang pinagdadaanan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakadetine ngayon sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, dahil siya mismo ay naranasan ding makulong.

Sa kaniyang talumpati sa isang pagdiriwang sa The Hague para sa ika-80 kaarawan ni Duterte nitong Biyernes, Marso 29, inihayag ni Padilla ang kaniyang naging karanasan nang makulong nang mahigit tatlong taon dahil sa kasong illegal possession of firearms noong 1994.

“Alam n’yo naman, ex-convict po tayo. Nakulong po ako, tatlong taon at kalahati. Kaya nararamdaman ko po kung ano yung nararamdaman ni Digong,” ani Padilla.

“Maraming mga kasamahan po nagtatanong sa akin, bakit ba masyado kang apektado? Kasi naramdaman ko mangulungan. 

National

Gloria Arroyo, inilahad pinagdadanan ng kaniyang pamilya: ‘Please pray for my family’

“Alam ko ang pakiramdam ngayon ni Digong. Na birthday mo, nag-iisa ka. Nasa malamig na lugar. Iniisip niya paano niya makikita ang kaniyang pamilya,” saad pa niya.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng senador na sa lahat daw ng mga pangulong pinagsilbihan niya, tulad nina dating Pangulong Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo, si Duterte lamang daw ang nagbigay sa kaniya ng “absolute pardon” noong 2016.

MAKI-BALITA: Sen. Robin, napatunayan pagiging ‘maginoo’ ni FPRRD nang bigyan siya ng ‘absolute pardon’

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD