April 01, 2025

Home SHOWBIZ Events

Naiyak dahil niregla na: Toni Fowler, masayang lumalaki si Tyronia na 'di niya katulad

Naiyak dahil niregla na: Toni Fowler, masayang lumalaki si Tyronia na 'di niya katulad
Photo courtesy: Screenshots from ToRo vlog (YT)

Tila maraming naka-relate sa social media personality na si Toni Fowler matapos niyang ibida ang pagkakaroon ng menstruation ng kaniyang anak na babaeng si Tyronia.

Sa kaniyang vlog kamakailan, makikita ang pagbuhos ng luha ni Mommy Oni dahil "dalaga" na ang kaniyang baby girl.

Hindi pa rin daw siya makapaniwalang ang baby girl niya ay nasa yugto na ng pagiging dalagita, matapos itong magdiwang ng 13th birthday.

Sey naman ni Toni sa kaniyang Facebook posts, kahit na anumang edad, mananatili pa ring baby girl niya si Tyronia.

Events

Awra Briguela sa yate nag-birthday party, umani ng reaksiyon

Natutuwa rin siyang lumalaki raw si Tyronia na hindi raw katulad niya.

"HAPPY 13TH BIRTHDAY SA ANAK KONG SOBRANG LATINA," aniya.

"SOBRANG PROUD AKO SAYO NA LUMALAKI KANG HINDI KATULAD KO."

"Kahit anong taon pa ang madagdag sayo, Kahit anong edad mo sa puso ko ay..Pang habang buhay kitang BABY anak ko ," saad pa ni Toni.

Samantala, marami naman sa mga netizen, lalo na ang mga nanay, na tila naka-relate sa pagbuhos ng emosyon ni Toni.

"Nakakaiyak na nakakamiss si Mama. Sarap magkaron Ng ganitong Mama. Iba talaga Yung pagmamahal Ng isang Ina sa anak na babae."

"pano kaya pag dumating na ung tym na mag aasawa na si tyronia sobrang dami siguro uubusing luha ni mami oni"

"Hindi palaging bata ang anak natin kaya tangapin natin na tatanda at tatanda tayu god bless mommy oni paka tatag ka"

"Feeling ko maiiyak din ako kapag rereglahin na first baby ko,11 years old na sya ngayon,kabado much,parang namimiss ko tuloy nung baby pa sya"

"acceptable Po ung reaction ni Ms Toni dahil Unica ija nya c tyronia and siguro dahil sa postpartum nya"

"For me hindi ka OA yung reaction ni mommy oni. Every mom has a different reactions sa mga anak and also different way how we care about our children. In my case I'm blessed na lalaki anak ko kasi ever since takot ako magkaanak ng babae. Dahil na rin sa mga trauma ko nung bata pa ako. Siguro takot din si mommy Oni sa mga magiging changes sa body ni tyronia and lalo na magandang bata rin si tyronia. Hindi na rin natin maiiwasan na kung ano man ang nasa utak nasa paligid natin."

"ndi nmn oa yan. sa katulad ng karanasan ni momy toni . ndi malabong matakot sya para sa anak nyang babae. . karaniwan sa ganyan sila pa ang over protectiv . di baling sya ang mpag usapan wag lng magkamali ang ank. wag kayung mnghusga kung wala nmn kayu sa kalagayan ng tao . may kanya kanya tayung problema at masamang karanasan. wala din kayu pakeelam panu nya un harapin. magpayo nlng kayu wag kayu feeling perfect."

"Hindi talagang madaling tanggapin like sa anak ko, she 9yrs. Old grabe sobrang shock talaga ako kasi hindi pa sya marunong mag ayos sa sarili tas din sya umiiyak kasi ayaw pa nya na may period na sya at her age. Basta hindi ko alam kong ano gagawin ko."