April 01, 2025

Home SHOWBIZ

Michelle Dee, bagong house guest sa Bahay Ni Kuya

Michelle Dee, bagong house guest sa Bahay Ni Kuya
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network (YT)

Matapos ang ianunsiyo ang dalawang evictees, ipinakilala naman si Miss Universe 2023 Michelle Dee bilang bagong house guest sa Bahay Ni Kuya.

MAKI-BALITA: Ashley Ortega, AC Bonifacio na-evict na sa Bahay Ni Kuya

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” nitong Sabado, Marso 29, makikitang naka-poncho pa si Michelle dahilan para hindi siya makilala muna.

Ayon kay Michelle, sa palagay niya, ang role o pagsubok na ibibigay sa kaniya ni Kuya sa loob ay may kinalaman sa pinagmulan niya—ang pageantry.

Relasyon at Hiwalayan

Paulo kay Kim: 'Have you ever seen me as more than a friend?'

“I just have an assumption that it's really about the mentality of how I went through pageantry, the independence, dealing with a loss, especially ngayon na may na-evict,” saad ni Michelle.

Matatandaang noong Miss Universe 2023 ay sa Top 10 lang nagawang makatuntong ni Michelle.

Pero kahit hindi nakapasok sa Top 5, kayang-kaya naman umanong lamunin ni Michelle ang Question and Answer portion ng nasabing pageant ayon sa mga netizen.

MAKI-BALITA: Michelle Dee kayang-kaya raw lamunin mga tanong sa Q&A