Nagbuga ang bulkang Kanlaon ng ash plume na may taas na 500 metro nitong Sabado, Marso 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa time-lapse footage na ibinahagi ng Phivolcs, naitala ang weak ash emission mula sa summit crater ng Kanlaon sa pagitan ng 3:16 ng madaling araw at 4:42 ng madaling araw nitong Sabado.
“The event generated a plume that rose 500 meters above the crater as recorded by the thermal camera in the Lower Masulog (VKLM) observation station in Canlaon City,” anang Phivolcs.
Nananatili naman ang alert status ng bulkan sa Alert Level 3 (magmatic unrest).
Kaya naman, ipinayo ng ahensya ang paglikas ng mga nakapaloob sa anim na kilometrong (6 km) radius mula sa tuktok ng bulkan.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng Kanlaon.
Matatandaang noong Disyembre 9 nang itaas ng Phivolcs sa alert level 3 ang bulkan kasunod ng naging pagputok nito.
MAKI-BALITA: Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!