Humihingi at umaapela ng tulong sa publiko ang netizen na si Clyde Encarnacion para sa kaniyang partner na si Lieselle Anthonette Peras, graduate ng Bachelor of Science in Hospitality Management degree sa isang state university sa San Juan noong 2023, matapos magkaroon ng isang sakit na tila nakaapekto sa memorya niya at kilos.
"She is a kind, hard-working, and intelligent student, she even became a working student when she was on her senior year in college," paglalarawan ni Clyde sa kaniyang partner, na mababasa sa kaniyang post sa isang Facebook page.
Salaysay ni Clyde, Pebrero 7, 2025 nang dumaing daw ang kaniyang girlfriend nang matinding pananakit ng ulo nang umuwi siya mula sa modelling gig. Hindi na lang ito pinansin sa pag-aakalang normal na pananakit ng ulo lamang. Subalit sa pagdaan ng panahon, tila tumitindi ang pananakit ng kaniyang ulo na sinamahan pa ng lagnat at pagsusuka. Hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa at isinugod na siya sa ospital.
Batay sa x-ray, MRI scan, blood tests, at CBC tests ay normal naman daw ang lahat kay Lieselle, maliban sa mild urinary tract infection (UTI). Na-discharge siya sa ospital at napagdesisyunang sa bahay muna ng ina tutuloy ang partner.
Bandang Pebrero 20 ng gabi, tumawag daw ang nanay ni Lieselle upang ipaalam sa kaniya na isinugod nila sa emergency room ang nobya, dahil sa matinding pananakit ng ulo at kakatwa nitong kilos at pananalita; na inilarawan ng nanay na parang 7-anyos na nagta-tantrum. Agad daw sumugod sa ospital si Clyde, at nang kinakausap na niya ang partner, parang hindi raw siya kilala nito at ang tanging hinahanap lamang ay ang ina, na kagaya ng isang bata.
"At this point she was not on her right mind, she kept repeating that she wants to go home and that she wants her mama. The nurses gave us a warning that she needs to calm down and that we can't stay too long on the ER. They warned us as if they are treating her as someone who was crazy," aniya.
"We tried to get her to provide a urine sample however she just can't that time. We had no choice but to sign a waiver for her to be released from the ER since they were pressuring us to leave if we can't help her provide a urine sample they're going to ask us to leave."
"The following days she still wasn't in her right mind. Since we took her back to her mom's, she lost her appetite, and she was not drinking enough water. We were very concerned since she was acting like a child and she can't speak properly. The only thing na nasasabi nya is 'mama', 'masakit mama', 'suka ako mama', and 'ano ba kasi!'"
Dahil daw dito ay iminungkahing patingnan na rin siya sa isang neurologist upang malaman ang nangyayari sa kaniya. Matapos ang ilang mga pagsusuri, napag-alamang ang dahilan ng kaniyang pananalita at kilos ay dahil sa isang brain infection.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Clyde, napag-alamang ang sakit ng kaniyang partner na si Lieselle ay Tubercolosis (TB) Meningitis na tumama sa kaniyang brain.
"Ang sabi po ni Doc possible na nahawa sa sa pulmonary TB but yung attack ng TB sa kaniya is sa brain and hindi po sa lungs," aniya.
Dahil daw sa mahal na gamutan at hospital bills, kumakatok siya sa puso ng sinumang nagnanais na magpaabot ng tulong para sa kanila. Ibinenta na rin niya ang personal computer niya para makatulong sa mga gastusin.
"For those who wish to extend their support, donations can be made, you can contact me on Messenger or text me on this number: 0927-182-7570. If needed, we are more than willing to provide medical records and further details regarding her condition."
"We truly appreciate your time and consideration. Your generosity and kindness would mean the world to Lieselle, me and her family during this difficult time."
"There are people we don't know po that copies my post and puts their own name and GCash information for the purpose of scamming other people in Lieselle's name."
Kaya naman, sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong para kay Lieselle, narito ang mga lehitimong contact person at organisasyon na pupuwedeng makipag-coordinate:
Stephanie Marie Saronghilo
Shayhu Nachu
Trishia Saronghilo
Darah Nicole Encarnacion Gicale
PUP CTHTM Student Council
Elaine Magparangalan
Te Hydz Suma Enca
Quin Azriel Somera
Narito rin ang GCash information mismo ni Lieselle:
0915-953-6587
Lieselle P.