Tuluyan nang nagpaalam ang magka-duo na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa Bahay Ni Kuya matapos nilang ma-evict pareho.
Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” nitong Sabado, Marso 29, inanunsiyo ang pagkatanggal nina AC at Ashley.
Ayon kay AC, pinaka-mamimiss daw niya ang mga kapuwa niya housemate sa paglabas niya sa Bahay Ni Kuya.“I love them so much…and I will do what I can dito sa labas to protect them,” aniya.
Segunda naman ni Ashley, “Salamat po sa lahat ng pumunta rito. Thank you, guys. Mami-miss ko 'yong mga housemates ko, lahat ng mga pinagdaanan namin sa loob. Lahat ng pinagdaanan ko it made me a better person.”
Sina AC at Ashley ang unang evictees para sa edisyong ito ng PBB. Samantala, ligtas naman mula sa eviction sina Will Ashley at River Joseph.