“Never stop. Keep your music playing…”
Binalikan ng ilang netizens ang naging pagbati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017, sa gitna ng pagdiriwang ng huli ng kaniyang 80th birthday nitong Biyernes, Marso 28.
Base sa Facebook post ni Marcos noong Marso 28, 2017, makikita ang magkasama nilang larawan ni Duterte habang parehong may hawak ng gitara at tasa.
“Happy Birthday Mr. President! Never stop. Keep your music playing #SalamatDigong.” ani Marcos sa naturang post niya noong 2017.
Bagama’t walong taon na ang nakalilipas mula nang i-post ng kasalukuyang pangulo ang kaniyang pagbati, inungkat ito ng netizens sa ika-80 kaarawan ni Duterte nitong Biyernes, Marso 28.
Narito ang ilang mga komento ng netizens nitong Biyernes sa 2017 post ni Marcos:
“Sino na ngayon papanigan ng mga nabudol ng Uniteam? hahahhaahhaha.”
“Bow!” “nyareeeee.”
“ ang nakalipas ay ibabalik natin, ipapaalala ko sayo Ayun na ICC tuloy si oldman!”
“Title of the song they will sing "Happy together" Imagine me in you and you and me I think about you day and night and all is right.”
“Hoooooooooiiiiiiiiiii”
“Awwwkwarrrrd.”
“Wow what an amazing friendship I hope they don't betray each other .”
“Kamusta na ang music ngayon?”
“Up!”
Kalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands si Duterte matapos siyang arestuhin noong Marso 11 dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” dahil sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD
Isang araw matapos ipadala ang dating pangulo sa ICC, ipinaliwanag naman ni Marcos na nakipagtulungan lamang umano ang pamahalaan ng Pilipinas sa paghuli kay Duterte dahil sa “commitment” ng bansa sa Interpol.
BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, inaresto alinsunod sa commitment ng 'Pinas sa Interpol—PBBM
