March 31, 2025

Home BALITA National

Sen. Bato, bumati kay FPRRD: 'Huwag siyang sumuko sa laban'

Sen. Bato, bumati kay FPRRD: 'Huwag siyang sumuko sa laban'
Photo courtesy: Senator Bato Dela Rosa/Facebook

Nagpahayag ng pagbati si reelectionist Senator Ronald “Bato” Dela Rosa para sa ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes, Marso 28, 2025.

“Ang masasabi ko lang sa kanya ay itong lahat ng mga pagsubok na ito ngayon ay malalampasan natin. Walang permanent sa mundong ibabaw. Everything is temporary. So magpakatatag lang tayo, laban lang, at huwag mag-surrender,” anang senador sa kaniyang Facebook page. 

Payo pa ni Dela Rosa kay Duterte na huwag aniya itong sumuko dahil marami pa raw ang naniniwalang makakabalik siya sa Pilipinas. 

“Huwag siyang sumuko sa laban. Laban lang, because majority of the Filipino people, even those who are outside of the Philippines, other parts of the universe ay nandoon at nakikiramay sa kanya at gustong-gustong maibalik siya dito sa Pilipinas,” ani Dela Rosa.

National

Batangas, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Matatandaang mula pa noong Marso 12 nananatili si Duterte sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) para sa kinahaharap niyang reklamong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD