Isang maikling pagbati ang inihayag ni Vice President Sara Duterte para sa ika-80 kaarawan ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong Biyernes, Marso 28, 2025.
Sa kaniyang Facebook account, pinasalamatan niya ang dating Pangulo para sa mga itinuro nito sa kaniya.
“I learned resilience and courage in your exigence. Thank you for teaching me the value of education,” ani VP Sara.
Ibinahagi rin ng dating Pangulo ang kaniyang hiling para sa ama.
“I wish you love, good health and happiness.Happy 80th birthday Papa!” saad ni VP Sara.
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD