March 31, 2025

Home BALITA National

Kaarawan ni FPRRD, sinabayan ng ‘anti-Duterte’ protest

Kaarawan ni FPRRD, sinabayan ng ‘anti-Duterte’ protest
Photo courtesy: Contributed photo

Ilang human rights group ang nagkilos-protesta sa Liwasang Bonifacio kasabay ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes, Marso 28, 2025.

Bitbit nila ang panawagang ma-convict ang dating Pangulo na kasalukuyang nahaharap sa reklamong crimes against humanity at nananatili sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague sa Netherlands.

Ilang senatorial candidates in ng MAKABAYAN bloc ang nakiisa sa nasabing protesta kasama sina ACT Teachers partylist Representative France Castro, Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas at Ronnel Arambulo. 

Samantala, “hustisya cake” at “Guilty Pizza” naman ang bitbit ng Kabataan Partylist bilang regalo raw kay Duterte kung saan nakalagay ang salitang “guilty.” 

National

Batangas, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Sinalubong ni Duterte ang kaniyang kaarawan sa ICC detention center, habang ilang tagasuporta naman niya mula sa loob at labas ng bansa ang nagkasa rin ng kilos-protesta ar prayer rally, bitbit ang panawagang maiuwi na siya sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD