March 31, 2025

Home BALITA Internasyonal

Ilang Pinoy sa Qatar, inaresto at ikinulong dahil sa umano'y 'political demonstrations'

Ilang Pinoy sa Qatar, inaresto at ikinulong dahil sa umano'y 'political demonstrations'
photo courtesy: Philippine Embassy in Qatar/FB

Inaresto at ikinulong ang ilang mga Pinoy sa bansang Qatar nitong Biyernes, Marso 28, ayon sa Philippine Embassy in Qatar.

Ito ay dahil sa "unauthorized political demonstrations" sa naturang bansa. 

Ayon pa sa Embahada, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na awtoridad para sa pagkakaloob ng kinakailangang consular assistance sa mga Pilipinong naaresto.

Binigyang-diin muli nila ang nauna nilang abiso noong Marso 13 para sa mga Pilipino "na tumalima sa mga alintuntunin at patakaran ng Bansang Qatar ukol sa pagdaraon ng mga pagpupulong at kilos protesta na may temang politikal."

Internasyonal

Philippine Embassy sa Thailand, pinabulaanan umano'y 10 Pinoy na nasawi sa lindol

Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang impormasyon ang embahada kung ang nasabing "political demonstrations" ay may kinalaman o kaugnayan sa selebrasyon ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nasa kustodiya ng International Criminal Court para sa kasong "crimes against humanity."