Nagpaabot ng mensahe si senatorial aspirant Gringo Honasan para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ng ika-80 kaarawan ngayong Biyernes, Marso 28.
Sa kaniyang video statement nito ring araw, sinabi ni Honasan na bagama’t hindi umano maganda ang sitwasyong kinalalagyan ng dating pangulo, hindi raw siyang puwedeng hindi bumati.
“Pinagdaanan ko rin 'yang pinagdaanan mo. Naalala mo no'ng fugitive ako. Kung paano mo ako inampon, in-adopt 'yong anak ko. Hindi ko makakalimutan 'yon,” saad ni Honasan.
Dagdag pa niya, “[G]usto kong maging matibay ka. Mag-pray ka. Matatapos din ito. Lahat may katapusan. Kaya mag-iingat ka palagi. Stay healthy. stay strong, and stay truly free in mind, body, and spirit. Mabuhay ka. Happy birthday.”
Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands si Duterte dahil sa kasong krimen laban sa sangkatauhan. Nakatakda ang kaniyang confirmation of charges sa darating na Setyembre 23, 2025.
MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025
At matatandaang kamakailan lang ay naghain si Honasan ng petisyon para mapabalik ng bansa ang dating pangulo.
MAKI-BALITA: Malacañang sa petisyon ni Honasan sa ICC: ‘Coordinate first with Duterte’s legal team’