Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakahanda raw silang tumulong sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) matapos umano mag-full capacity ang emergency room (ER) nito.
Tinatayang pumalo na sa 180 pasyente ang nasa ER ng PGH, mahigit na dobleng bilang umano mula sa orihinal na kapasidad nito na 75 pasyente lamang.
Ayon sa new release na inilabas ni DOH Secretary Teodoro Herbosa nitong Biyernes, Marso 28, 2025, mayroon umanong mga karatig ospital na maaaring puntahan ang publiko kasunod ng nasabing anunsyo sa sitwasyon ng PGH.
“In line with President Bongbong Marcos' focus on health, the Department of Health (DOH) is ready to assist the UP-Philippine General Hospital (UP-PGH) while its Emergency Room (ER) is temporarily full of patients. Upon investigation by the UP-PGH management, no unusual or dangerous reasons were found for this situation, and the number may also decrease after a few days,” ani Herbosa.
Nilinaw naman ng PGH na nakahanda pa rin silang tumanggap ng mga pasyenteng nasa kategorya ng “life-threatening emergencies.”
Samantala, narito naman ang listahan ng ilang mga DOH-ospital na maaaring puntahan ng publiko:
Caloocan: Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium
Las Piñas: Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
Malabon: San Lorenzo Ruiz General HospitalMandaluyong: National Center for Mental Health
Manila: Jose Fabella Memorial Hospital; Jose R. Reyes Memorial Medical Center; San Lazaro Hospital; at Tondo Medical Center
Marikina: Amang Rodriguez Memorial Medical Center
Muntinlupa: Research Institute for Tropical Medicine
Pasig: Rizal Medical Center
Quezon City: East Avenue Medical Center; National Children's Hospital; Philippine Orthopedic Center; Quirino Memorial Medical Center; Lung Center of the Philippines; National Kidney and Transplant Institute; Philippine Heart Center; at Philippine Children's Medical CenterValenzuela: Valenzuela Medical Center