March 31, 2025

Home BALITA National

Dagupan, makararanas ng 46°C ‘dangerous’ heat index sa Sabado – PAGASA

Dagupan, makararanas ng 46°C ‘dangerous’ heat index sa Sabado – PAGASA
Courtesy: Unsplash

Inaasahang makararanas ng dangerous heat index na 46°C ang Dagupan City, Pangasinan bukas ng Sabado, Marso 29, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Paliwanag ng PAGASA, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Nakasailalim sa danger level ang heat index mula 42°C hanggang 51°C.

Kaugnay nito, nakasaad din sa tala ng weather bureau dakong 5:00 ng hapon nitong Biyernes, Marso 28, na bukod sa Dagupan City ay inaasahan ding mararanasan ang dangerous heat index na 42°C sa Cotabato City, Maguindanao at General Santos City, South Cotabato.

National

PBBM sa Muslim community: 'Let's not forget our responsibility to one another'

Posible sa mga lugar na may dangerous heat index ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?