March 31, 2025

Home BALITA National

Bayan Muna, may mensahe kay FPRRD: 'More birthdays to come in The Hague'

Bayan Muna, may mensahe kay FPRRD: 'More birthdays to come in The Hague'
Photo courtesy: BAYAN MUNA Partylist, ICC/FB

Hustisya ang panawagang bitbit ng Bayan Muna Partylist sa pagdiriwang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng ika-80 kaarawan ngayong Biyernes, Marso 28, 2025.

Sa kanilang Facebook page, ibinahagi ng Bayan Muna ang isang video kasama ang ilan sa mga pamilyang umano’y mga biktima ng war on drugs ng dating Pangulo. 

“More birthdays to come…in The Hague,” anang Bayan Muna. 

Saad pa nila, “'Di tulad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, death anniversaries at hindi birthdays ang gugunitain ng mga pamilya ng biktima ng war on drugs.”

National

PBBM sa Muslim community: 'Let's not forget our responsibility to one another'

Iginiit din ng Bayan Muna na kasama umano sa kanilang pagtugon sa mga biktima ng kontrobersyal na war on drugs ang tuluyang pagkakaaresto ni Duterte.

“Mula noon hanggang ngayon, hindi huminto ang Bayan Muna sa paghahanap ng hustisya kasama ang mga biktima. Ang pag-aresto at ang paglilitis ni Duterte sa The Hague ay isa lamang dito,” saad ng partylist.

Matatandaang noong Marso 11 nang maaresto si dating Pangulong Duterte sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ng International Criminal Court (ICC) para sa kasong crimes against humanity. Mula Marso 12 ay nananatili siya kustodiya ng ICC sa detention center nito sa The Hague. 

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD